Pinoy Basketball Fan

Your One Stop Basketball Update

16
Mar 2008
Basketball Updates
Posted in gallery, news, star by admin at 9:59 pm |

- Mukhang hindi pa natatapos ang kontrobersya na kinasasangkutan ng Philippine Christian University (PCU) kaugnay ng pagkaka-suspinde nito sa NCAA nitong nakaraang taon. Napabalitang bukod kay Jaypee Importante, na naging dahilan ng suspensyon, may iba pang atleta na gumawa ng hawig na pamemeke ng dokumento, hinggil sa tunay nilang pagkaka-kilanlan,

- Nagpakitang gilas si Francis Allera sa PBL noong Sabado, Marso 15, 2008, nang magsagupa ang koponan nitong Pharex laban sa Noosa Shoe Stars, kung saan nagwagi ang nauna, 90-75. Umiskor si Allera ng 17 puntos. Sa kabilang dako, naging explosibo si Reed Juntilla, na may 15 puntos, upang iangat pa ang kanilang win-loss record ng Hapee Toothpaste nang talunin nito ang San Mig Coffee 76-68. Ito na ang ika-4 na panalo ng Hapee sa 6 na laro, samantalang meron naman 2-3 kartada ang Coffee Masters.

- Halos makukumpleto na ang line-up ng lahat ng koponan sa PBA sa pagdating ng kani-kanilang mga imports bilang paghahanda sa nalalapit na Smart Fiesta Cup. Ating sisikapin na makuha ang detalye ng pangalan ng lahat ng mga imports na ito, pati na ang katiyakan kung sila’y narito na sa bansa. Ilang imports ang paparating pa lamang ngayong linggo habang ang iba naman ay nag eensayo na para sa kanilang mga ballclubs.


You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a Reply